DAGUPAN CITY—Mariing kinondena ng Bayan Pangasinan ang pagpatay kay Anakpawis chairman Randall “Randy” Echanis.

Ayon kay Eco Dangla tagapagsalita ng Bayan Pangasinan sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, napakahalaga ang ginagampanan niyang trabaho.

Siya at tumatayo ring NDF peace consultant na bahagi ng nagsusulat ng comprehensive agreement on social economic reforms na na susndo sanang agenda sa peacetalks sa pagtan ng Pilipinas at NDF.

--Ads--

Ang pagpaslang sa kanya ay parte ng patakaran ng gobyernong Duterte na i harass at takutin ang mga membro ng opposition.

Hindi pa man naiiplementa ang anti terrorism act ay patuloy ang pagpatay, panunupil at ibang paraan ng human rights violation sa mga organisasyon at inidbduwal na lumalaban sa mga patakaran ng pamahalaang Duterte.

Nakakaramdam din umano ng takot ang ibang organisasyon sa nangyayaring paglabag sa karapatang pantao.

Eco Dangla , Spokesperson-Bayan Pangasinan

Dagdag pa niya na sa kabila ng covid 19, inaatupag pa rin ni pangulong Rodrigo Duterte at kanyang kaalyado ang pagsusulong ng cha cha, pagpapasara sa ABS-VCBN , anti terrorism act , pagpuntirya sa mga opposition at mga lalaban sa kanyang patakaran.