Dagupan City – Opisyal nang kinilala ang bayan ng Tayug bilang isang 1st Class Municipality.

Ayon kay Tayug Mayor Atty. Tyrone Agabas, ang tagumpay ay hindi lamang para sa pamahalaang lokal kundi para sa bawat mamamayan na nagbigay ng kanilang panahon, lakas, at suporta sa lahat ng mga inisyatibo ng lokal na pamahalaan.

Aiya, ang pagkamit ng mataas na antas ng pagkakakilanlan ay bunga ng hindi matitinag na pagsusumikap at malasakit ng bawat mamamayan.

--Ads--

Katuwang ang mga lokal na lider, kawani ng gobyerno, at buong komunidad, napatunayan aniya ng bayan na nagkakaisa at nagsusumikap ang mga ito upang mapabuti ang bayan.

Nakikita naman nila itong daan upang buksan ang mga bagong oportunidad para sa Tayug upang makapagbigay ng mas mataas na serbisyo sa mga mamamayan at magtaguyod ng mga proyekto na magdudulot ng mas malawak na pag-unlad.