DAGUPAN CITY- Nakatanggap muli ng parangal ang bayan ng Tayug mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) sa ikalawang pagkakataon bilang performance awardee ng 2024 National Anti-Drug Abuse Council (ADAC).
Dahil dito ay nagbigay ng mensahe si Mayor Tyrone Agabas kung saan pinasasalamatan niya ang mga institusyon at indibidwal na naging katuwang ng kanilang bayan para makamit ito.
Bahagi ang pagkilalang ito ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga local government units (LGUs) na nagpakita ng epektibo, at makabagong inisyatibo sa pagsugpo sa ilegal na droga.
Pinatunayan ng bayan ng Tayug na hindi lamang sila tumutugon sa mga hamon ng problema sa droga, kundi patuloy din silang nagiging inspirasyon para sa iba pang LGUs.
Ang pagkilalang ito ay isang hamon upang higit pang pagtibayin ang mga programa at kampanya laban sa ilegal na droga sa bayan ng Tayug.
Sa muling pagkakataon, ipinakita ng bayan ang pagkakaisa, dedikasyon, at pananampalataya sa pagkamit ng layunin para sa isang ligtas, progresibo, at drug-free na komunidad.
Isa ang nasabing bayan ang nakatanggap ng naturang parangal sa ika-anim na distrito at kabilang dito ang bayan ng San Manuel.
Habang sa buong lalawigan, anim na bayan ang nabigyan ng parangal gaya ng Agno, Anda, Mapandan, San Manuel, Tayug, at syudad ng Alaminos.