Nagkamit ng parangal ang bayan ng Sta. Barbara bilang ang kanilang lokal na pamahalaan ay Highly Functional LGU sa ginanap na ADAC Performance Awards 2024.
Ang aktibidad na ito ay ginanap sa Convention Center sa syudad ng San Fernando sa lalawigan ng La Union.
Patunay lamang na ang bayan ng Sta. Barbara ay may dedikayson pagdating sa pagbibigay ng serbisyo sa kanilang nasasakupan.
Ipinapakita rin dito na epektibo ang kanilang pamamahala pagdating sa kanilang ipinaglalaban na kontra sa iligal na droga.
Nagagawa rin nila ng maayos ang kanilang ipinapatupad na programa at mga polisiya patungkol sa pagprotekta ng kanilang komunidad at nasasakupan.
Naging makabuluhan ang pagpaparangal na ito dahil iginawad sa bayan ng Sta. Barbara ang Highly Functional LGU ng dalawang magkasunod na taon.