Nasa dalawang insidente palang ng sunog ang naitatala sa bayan ng Sison simula Enero hanggang Marso ngayong taon.
Ayon kay SFO4 Randy Fabro, Acting Municipal Fire Marshall, BFP Sison ang dalawang insidenteng ito ay ang sunog sa isang junkshop at isang vehicular fire naman na nangyari sa Tplex.
Aniya na agad naman itong narespondehan at ang tanging problema lamang kung minsan ay ang mga makipot na daanan lalo na sa mga barangay kung saan ay pahirapan makapasok ang kanilang mga firetruck.
Marahil bulubundukin ang bayan ay may mga narerepondehan narin silang mga grassfire incident.
At may mga gamit na silang nakahanda sakali mang magkaroon ng ganitong pangyayari.
Samantala, inaanyayahan naman nito ang lahat sa kanilang nalalapit na Motorcade bilang bahagi ng Fire Prevention Month kung saan katuwang nila rito ang PNP, BFP Sison at iba pang mga stakeholders.
Layunin din ng kanilang programa na mapalayon ang kaalaman pagdating sa fire safety awareness para maiwasan ang mapaminsalang sunog.