DAGUPAN CITY- Ipinagmamalaki ngayon ng bayan ng Sison ang kanilang maagang pagkamit ng pagiginpagiging 1st Class Municipality mula sa dating 3rd class sa lalawigan.

Batay sa inilabas na Department order No.074-2024 ng Department of Finance noong buwan ng Disyembre ng nakaraang taon, mas dumami pa ang mga bayan sa Pangasinan na may average annual income na 200,000,000 pesos.

Bukod sa bayan ng Sison kabilang din sa mga umakyat bilang 1st class na mga bayan ay ang Balungao, Aguilar, Alcala, San Jacinto, Tayug, at Urbiztondo na dating mga nasa 4th at 3rd class Municipalities.

--Ads--

Nasa kabuuang 28 na mga bayan na mula 44 ang nasa hanay ng pagiging First Class sa lalawigan na nangangahulugan ng pagiging maunlad at mas progresibo.

Ayon kay Sison Mayor Danny C. Uy na plano nila maging 1st class ang bayan sa taong 2027 ngunit hindi nila inasahan na mapapaaga ito ngayong taon.

Sa huling termino nito ngayong taon mag-iiwan ito ng kanyang legasiya na hindi makakalimutan ng mga taga-sison matapos ang halos ilang dekada ng pagiging 3rd class.

Ang bayan ng Sison ay matatagpuan sa ika-limang distrito ng Pangasinan na may populasyon na mahigit 50,000 katao, at 28 barangay.  

May kabuuan itong sukat na 81.88 square kilometers kung saan 60% ng lupain nito ay puro kabundukan.