Dagupan City – Isinailalim na sa State of Calamity ang bayan ng Santa Barbara matapos umabot sa 15 barangay ang nakaranas ng pagbaha dulot ng pagtaas ng lebel ng tubig.

Ayon kay Mary Angeline Zulueta, DRRM Officer 1 ng Santa Barbara MDRRMO, idineklara ang State of Calamity noong Agosto 12 matapos maitala ang pagbaha sa 15 flood-prone barangay sa bayan.

Sa kasagsagan ng pagbaha, umabot sa 7.70 metro above sea level ang lebel ng tubig. Umabot naman sa 27 pamilya ang napaulat na lumikas, ngunit nasa limang pamilya na lamang ang kasalukuyang nasa evacuation center.

--Ads--

Sa ngayon, bumaba na sa 5.8 metro ang water level ng Sinocalan River, na itinuturing nang below normal. Gayunman, iginiit ni Zulueta na hindi pa rin sila magpapakampante dahil maaari pa ring tumaas ang tubig sakaling muling bumuhos ang malakas na ulan.

Kabilang sa mga barangay na mabagal humupa ang baha ang Barangay Sonquil at Barangay Salomague. Patuloy naman ang monitoring ng MDRRMO sa mga lugar na nananatiling binabaha.

Samantala, sinabi ni Barangay Dalongue Kapitan Angelito Tamayo na unti-unti na ring humuhupa ang baha matapos bahagyang tumigil ang pag-ulan.

Tatlong zone at anim na sitio ang naapektuhan sa barangay, kung saan pinakamalubha ang sitwasyon sa Zone 2 at Zone 3. Sa apat na sitio, umabot umano sa dibdib at bewang ang taas ng tubig.

Sa kasalukuyan, nasa 7 pamilya o 23 indibidwal ang nananatili sa evacuation center.

Malaki rin ang pinsala sa mga palayan sa lugar na mistulang naging dagat dahil sa baha, dahilan upang masira at hindi na mapakinabangan ang ilan sa mga pananim.

Ayon kay Tamayo, malaking tulong ang deklarasyon ng State of Calamity dahil maaari nang gamitin ng bawat barangay ang **30 porsiyento ng kanilang