DAGUPAN CITY- Nananatiling nasa maayos simula nang umpisahan ang Election Gun Ban Checkpoint na isinagawa ng COMELEC kasama ang kapulisan ng San Jacinto.

Ayon kay PSSG Allan Velasquez, desk officer ng pnp san Jacinto Ang Election Gun Ban ay ipinatutupad simula noong Enero 12, 2025, hanggang Hunyo 11, sa taong kasalukuyan, alinsunod sa COMELEC Resolution No. 11067.

Aniya, sa panahong ng halalan ay mahigpit na babantayan ang pagdadala, paggamit, ng mga baril at matutulis na mga bagay sa mga pampublikong lugar tulad sa mga kakalsadahan, pasyalan at maging sa opisina maliban na lamang kung mayroong pahintulot mula sa Commission on Elections (COMELEC).

--Ads--

Dagdag pa niya, importanteng sumunod sa mga patakarang ito upang hindi magdulot ng kaguluhan sa darating eleksyon.
Paalala naman ng mga kinauukulan na siguraduhing huwag gumamit ng mga ipaigbabawal na gamit.

via Bombo Justine Ramos