Masayang ibinalita ng LGU San Fabian, Pangasinan na covid-19 free na ang kanilang nasasakupan.
Ayon kay San Fabian MHO Dr. Jose Quiros Jr. , kauna-unahang positibong kaso sa kanilang lugar ay sa katauhan ng isang 7 taong gulang na babae.
Lumabas ang resulta ng kaniyang swab test noon pang March 30 ng taong kasalukuyan at laking tuwa nila dahil maliban dito, hindi na din sila nakapagtala pa ng karagdagang kaso.
Isa pang magandang balita ayon sa opisyal, ay wala na din silang binabantayang Person Under Investigation o PUI na naka home quarantine maging ang mga admitted sa ospital.
Pinaka huling PUI death sa kanilang bayan ay sa katauhan ng isang buntis na babae mula sa brgy. Tempra Guilig na kalauna’y nag negatibo din ang resulta ng isinagawang pagsusuri.
Sa kasalukuyan, mababa rin ang bilang ng mga PUM sa nasabing bayan kung saan mayroon na lamang 59 na indibidwal na kabilang sa kategoryang ito.