DAGUPAN CITY- Nananatiling nasa maayos na kalagayan nag bawan ng San Fabian simula nang umpisahan ang Election Gun Ban Check point na isinagawa ng COMELEC.
Ayon kay Eva Quinto, Election Officer ng San Fabian, sa panahong ito ng halalan ay mahigpit na babantayan ang pagdadala, paggamit, ng mga baril at matutulis na mga bagay sa mga pampublikong lugar tulad sa mga kakalsadahan, pasyalan at maging sa opisina maliban na lamang kung mayroong pahintulot mula sa Commission on Elections (COMELEC).
Dagdag pa niya, importanteng sumunod sa mga patakarang ito upang hindi magdulot ng kaguluhan sa darating na midterm election ngayong taon.
Samanata, ang mga hindi susunod sa Election Gun Ban ay posibleng maharap sa mabigat na parusa depende sa desisyon ng korte.
via Bombo Justine Ramos