BOMBO DAGUPAN – Ideneklarang drug cleared municipality na ang bayan ng San Fabian.

Ayon kay PLT.COL. Michael Datuin, COP San Fabian PNP isang mahaba at mahirap na proseso ang kanilang pinagdaanan bago tuluyang madeklarang drug cleared municipality ang bayang nasasakupan.

Madaming mga isinagawang programa ang kanilang hanay gaya na lamang sa pagtulong sa mga indibidwal na sangkot sa ilegal na droga sa pamamagitan ng pagtatayo ng balay silangan. Lahat ng mga nadeclare sa listahan ay binibigyan ng pansamantalang tahanan para sumailalim sa rehabilitasyon at magbagong buhay.

--Ads--

Tuloy-tuloy din ang monitoring na kanilang isinasagawa upang mapanatili ang pagiging drug cleared municipality.

Pinaalalahanan naman ni Datuin ang lahat na huwag ng subukang pumasok sa paggamit ng ilegal na droga para hindi masira ang buhay gayundin ang buhay ng iyong pamilya.