Naglabas ng abiso ang lokal na pamahalaan ng Manaoag na magpapatupad sila ng pansamantalang “Truck Ban” sa ilang kalsada sa bayan.

Ito ay upang maging handa ang kalsada sa posibleng pagdagsa ng mga turista o deboto na bibisita sa Minor Basilica of Our Lady of Manaoag upang magnilay dahil kilala itong tourist destination sa Region 1 kapag ganitong papalapit ang Semana Santa.

Ipapatupad ito sa darating na Abril 16 hanggang 20 (Miyerkules hanggang Linggo) para matiyak ang kaligtasan, kaayusan, at pagiging tahimik ng okasyon.

--Ads--

Dahil dito, Inaabisuhan naman ang mga truck driver na gumamit ng alternatibong ruta upang maiwasan ang matinding trapiko gayundin ang ilang motoristang dadako dito.

Hinihikayat ang lahat na makipagtulungan at sundin ang regulasyon habang nagninilay at nakikilahok sa mga sagradong tradisyon ng Mahal na Araw.