Pormal nang idineklara bilang drug-cleared municipality ang bayan ng Manaoag noong Setyembre 2, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region I, sa pangunguna ni Atty. Benjamin Gaspi, Regional Director ng ahensiya.
Ayon kay Atty. Gaspi, hindi agarang naaapektuhan ang status ng isang bayan bilang drug-cleared kahit pa may mga bagong naiuulat o nahuhuling drug personalities sa lugar, hangga’t ito ay naaaksyunan ng lokal na pamahalaan at mga kaukulang ahensiya.
Aniya hindi narereverse ang status kung may malinaw na aksyon at marerevert lamang ito kung hindi inaaksyunan sa loob ng itinakdang panahon.
Binigyang-diin ng opisyal na kapag nabigyan ng Report of Continuing Drug Affectation (ROC) ang isang barangay, may 60 araw ito upang kumilos at resolbahin ang usapin.
Kung mabibigo itong gawin, maaari itong mawalan ng drug-cleared status at kinakailangang magsumite muli ng aplikasyon at dumaan muli sa proseso.
Bilang pangunahing ahensiya na nagpapatupad ng Dangerous Drugs Law, patuloy ang paalala ng PDEA sa publiko na umiwas sa paggamit at pagtutulak ng ilegal na droga.
Panawagan naman nito sa publiko na makipagtulungan sa mga ahensiya ng gobyerno at huwag matakot na magsumbong upang mapanatili ang kapayapaan sa komunidad.