DAGUPAN CITY- Muling nasisilayan na ang araw matapos ang paminsan-minsang pagulan sa bayan ng Mabini.

Ayon kay Keith Balintos, Local Disaster Risk Reduction Management Officer ng Mabini Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, wala naman naitalang binaha o pinsala sa kanilang bayan dulot ng bagyong Enteng.

Maging ang ilog sa kanilang bayan ay kasalukuyang na sa normal na lebel. Hindi naman ito umabot sa kritikal na lebel subalit, nakahanda silang magpatupad ng pre-emptive evacuation sa oras na nangyari ito.

--Ads--

Maliban riyan, patuloy ang kanilang naging monitoring sa mga low-lying areas partikular na sa Brgy. Cabinuangan at Brgy. Calzada.

Samantala, aniya, hindi gaano naapektuhan ng bagyong Enteng ang kanilang bayan. Mas nakaapekto pa aniya sakanila ang paghagupit ng bagyong Carina sa bansa lalo na sa kanilang agrikultura.

Pinag-iingat naman niya ang mga publiko lalo na sa tuwing tag-ulan sapagkat kadalasan nagsisilabasan ang iba’t ibang sakit katulad na lamang ng leptospirosis at dengue.