DAGUPAN CITY- Opisyal nang idineklara ng Sangguniang bayan ng Lingayen ang State of Calamity dahil karamihan na sa kanilang mga barangay apektado sa tuloy-tuloy na pag-ulan,
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lingayen Vice Mayor Jay Mark Kevin Crisostomo, sa ilalim nito ay maaarin na nilang magamit ang mga quick respond fund para sa augmentation ng mga pangangailan ng mga residente.
Aniya, tiniyak nila na buong nakahanda ang iba’t ibang ahensya sa kanilang bayan para sa pagresponde sa oras na pangangailangan.
Agaran na rin nilang inihanda ang mga pangangailangan ng mga residente, lalo na sa mga gagamitin sa evacuation centers.
Ani Crisostomo, malaking tulong sa kanilang bayan ang mga proyekto at programa ng DPWH upang makontrol ang pagbaha.
Gayunpaman, mataas pa rin ang pagbaha sa kanilang bayan dahil isa rin sila sa mga catch basin.
Sa kanilang occular visits, isa ang Barangay Bantayan sa kanilang nakitaan ng pagtaas ng tubig-baha kung saan umabot na sa dibdib.
Samantala, nasa halos 57 pamilya na ang kanilang mga inilikas dahil sa nasabing pagbaha
27 sa mga ito ay inilikas sa mga paaralan ng Department of Education (DepEd).