Posibleng magdeklara ng state of calamity ngayong araw ang bayan ng Calasiao, Pangasinan dahil sa epektong dulot ng bagyong crising at ulan na dala ng habagat.

Kanina ay nagkaroon ng pulong ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) kasama ang Sangguniang Bayan at ng Alkalde sa bayan upang pagusapan ang naging datos at epekto ng masamang panahon sa bayan.

Ayon kay Freddie Villacorta Head, MDRRMO Calasiao, 17 barangay na ang kumpirmadong apektado ng pagbaha.

--Ads--

Kung saan nagtuloy-tuloy rin ang pag-apaw ng Marusay River, na umabot na sa 10 talampakan ang taas ng tubig kaninang umaga.

Nagkaroon ng emergency meeting ang MDRRMO kasama ang Sangguniang Bayan upang talakayin ang pinakahuling datos at epekto ng kalamidad.

Layunin ng pulong na maihanda ang pormal na rekomendasyon para sa deklarasyon ng State of Calamity, upang ma-activate ang calamity fund at maiparating agad ang tulong sa mga residente.

Nagpapatuloy ang rescue operations, pagbibigay ng relief assistance, at paghahanda ng mga evacuation centers kung sakaling lumala pa ang sitwasyon.

Buong pasasalamat si Villacorta dahil zero casualty pa rin sa kabila ng pagbaha.