Muling nakapagtala ng panibagong covid19 case ang bayan Bugallon, Pangasinan.
Ayon kay Pmaj. Noel Cabacungan, Officer in Charge ng Bugallon PNP ang panibagong kaso ng covid19 sakanilang bayan ay mula sa barangay Poblacion
Ang naturang pasyente ay sasailalim sana sa isang heart surgery sa Philippine General Hospital sa Maynila ngunit nang magsagawa ng swab test dito ay napag-alamang positibo ito sa covid19 kayat hindi na rin ito pinabalik ng Pangasinan.
Base naman umano sa mga kamag anak ng pasyente ay dito lamang nagawi sa probinsya ang pasyente at hindi pa malinaw sa kung saang mga lugar sa maynila ito nagpunta.
Sinabi pa ng opisyal na malaking posibilidad na sa maynila o sa ibang lugar nito nakuha ang covid19 dahil wala umanong local transmission ang bayan ng Bugallon.
Sa isinasagawang contact tracing naman sa pakikipagtulungan sa RHU at barangay ng pasyente aynatukoy na ang mga tao na posibleng nakaugnayan ng pasyente at inaasahan nang sumailalim sa swab test.
Samantala, isinailalim na din sa lockdown ang kalye papasok sa bahay ng pasyente upang malimitahan ang paggalaw ng mga tao at maaari lamang lumabas ang mga ito para sakanilang essential needs at goods
Nagbigay mensahe naman ang opisyal sa kaniyang mga kababayan na kooperasyon at disiplina ang kanilang maiaambag sa laban sa Covid19.