Nakatanggap ang Lokal na Pamahalaan ng Bolinao, sa pamumuno ni Mayor Alfonso F. Celeste ng 2025 Balangay Excellence Award bilang pagkilala sa kanilang tagumpay sa pagpapanatili ng isang drug-free at mapayapang komunidad.
Kung saan ito ay isinagawa sa Laoag City Auditorium, Ilocos Norte.
Ang nasabing parangal ay ibinigay sa mga munisipalidad na nakamit ang Drug-Cleared Status, alinsunod sa Dangerous Drugs Board Regulation No. 4, Series of 2021.
--Ads--
Ang tagumpay na ito ay patunay ng sipag at dedikasyon ng mga opisyal ng LGU, mga ahensya ng pambansang pamahalaan, mga paaralan, at mga organisasyong ka-partner sa pagpapanatili ng isang mapayapa at maayos na munisipalidad, at pagpapanatili ng pagiging drug-free.