DAGUPAN CITY- Tiniyak sa bayan ng Bayambang na ang kanilang aktibidad na Barangay Validation at Assessment Activity sa ilalim ng “Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program” ay isang hakbang patungo sa pagpapabuti ng kalinisan, kaayusan, at food security sa bawat barangay ng bayan.

Magsisilbing gabay ang aktibidad na ito upang matiyak ang tamang implementasyon ng mga programa tulad ng Barangay Road Clearing, Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay, at ang Quarterly Assessment for Cleanest Barangays, na may layuning itaguyod ang malinis at maayos na kapaligiran.

Sa pangunguna ng Department of Interior and Local Government (DILG), at katuwang ang iba’t ibang lokal na ahensya at mga kinatawan ng munisipyo, pinapalakas ng programa ang kolektibong pagsisikap upang mapabuti ang kalinisan at organisasyon sa mga komunidad.

--Ads--

Ang mga programang ito ay hindi lamang nakatutok sa kalinisan kundi pati na rin sa pagpapabuti ng mga serbisyong pangkomunidad at ang pagpapalakas ng food security sa mga barangay.