DAGUPAN CITY- Naghahanda na ang mga awtoridad sa bayan ng Alcala para sa Nationwide Election Gunban bilang preparasyon sa halalan ngayong taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Robert Pagdanganan, Election Officer III ng COMELEC Alcala, magpapasimula ang election gun-ban sa darating na Enero 12 kung saan pinaghahandaan na ito ng kanilang opisina.

Aniya, nakikiisa ang bayan ng Alcala sa mga hakbang na gagawin ng Comelec upang mas maging maayos ang kalalabasan ng mga programa sa kanilang lugar.

--Ads--

Dagdag niya, nagkaroon din ng mga pagpupulong kasama ang hanay ng kapulisan bilang parte ng paghahanda.

Nagpahayag rin ang mga awtoridad sa bayan na huwag matakot sa isasagawang mga checkpoint at inspections dahil para ito sa ikabubuti ng lahat.


Samantala, siniguro din ng opisyal na naging mapayapa ang eleksiyon sa kanilang bayan sa mga nakalipas na taon at layuning maging mapayapa rin sa darating na halalan.