DAGUPAN CITY- Apat na araw bago ang lokal at pambansang halalan, puspusan ang paghahanda ng Commission on Elections (COMELEC) sa bayan ng Aguilar.

Ayon kay Marissa Marjerie Mendiguarin, COMELEC Officer III ng Aguilar, katatapos lamang ng kanilang final testing and sealing para sa mga gagamiting automated counting machines.

Naging maayos ang proseso maliban sa isang depektibong USB device, na kasalukuyang hinihintay ang kapalit para ma-reschedule ang testing sa apektadong clustered precinct.

--Ads--

Handa na rin aniya ang mga opisyal na balota at walang naging problema sa kanilang inspeksyon.

May kabuuang 40 clustered precincts ang nakatakdang gamitin sa bayan ng Aguilar, at tiniyak ng COMELEC na nasa ayos ang lahat ng gagamiting kagamitan sa araw ng halalan.

Wala ring naitatalang kaso ng vote buying sa ngayon. Patuloy ang isinasagawang monitoring at koordinasyon ng COMELEC sa mga kandidato at otoridad upang masiguro ang pagsunod sa mga alituntunin ng halalan.