Dagupan City – Ipinamahagi na sa mga Rice Farmers at Livestock Growers ang bayad-pinsala mula sa programa ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) sa mga naapektuhan ng mga nagdaang bagyo sa lungsod ng ALaminos.

Pinagunhan ang nasabing distribusyon ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) katuwang ang City Agriculture Office ng Lokal na Pamahalaan ng Alaminos. Bukod dito ay kabilang din ang siyam na karatig bayan ng Uno Distrito sa katatapos lamang na Indemnity Cheque Distribution ng naturang programa bilang suporta at tulong sa mga magsasakang nasira at nasalanta ang kanilang mga pananim dahil sa kalamidad.

Kaugnay nito ay nagbahagi ng pasasalamat ang alcalde ng syudad sa pamamagitan ni Councilor, Chairman-Committee on Agriculture, Atty. Walter M. Macaiba sa program na isinusulong para sa mga magsasaka.

--Ads--

Ang Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) ay isang gobyernong korporasyon sa Pilipinas na nagbibigay ng seguro sa mga pananim at hayop laban sa mga pagkakataon tulad ng Bagyo, Baha, Tagtuyot, Sakit ng halaman, peste sa hayop. Layunin ng programa na ito na Protektahan ang mga magsasaka at livestock growers laban sa pinansiyal na pagkalugi. (Aira Chicano)