Asahan ang bawas presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa Department of Energy, maaring maglaro ang presyo ng gasolina mula P0.70 hanggang P1 ang bawas sa kada litro.

Habang ang diesel ay mayroong bawas naman na P0.65 hanggang P0.95 sa kada litro.

--Ads--

Samantala, ang kerosene ay may bawas na P0.70 hanggang P0.80 kada litro.

Isa namang dahilan sa bawas presyo ay ang huminang demand ng langis sa pandaigdigang pamilihan.