BOMBO DAGUPAN- Nagawang mapabilang ng Pilipinas sa largest contributor ng plastic pollution partikular na noong 2021.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Tony Dizon, Campaigner ng Bantoxics,karamihan na sa mga produktong nabibili sa palengke ay wari sa plastic. Sa parehong taon din, nag import ang Pilipinas ng halos 1.98-million toneladang plastic raw materials.

Ani Dizon, magpapatuloy lamang ang problema sa plastic waste materials sa Pilipnas kung patuloy lang din ang pagpasok ng mga naturang materyales sa bansa.

--Ads--

Giit niya na tunay na may kakulangan pa sa batas ang ating bansa kaugnay sa plastic waste materials.

Higit dalawang dekada na din kase ang Republic Act no.9003 o Ecological Waste Management ngunit kulang pa din ang pagpapatupad nito.

Katulad na lamang umano ng ordinansang Single use plastic na hindi naman umiiral sa ibang lugar sa bansa.

Nabanggit din niya, hindi lahat ng kabahayan ay may maayos na segregation ng mga basura. Kasabay pa nito umano ang basta-bastang paghahakot at tambak ng mga waste concessionaires kaya iilan lang ang may maayos na sistema.

Kaya kapansin-pansin din aniya ang pagkukumpulan ng mga basura tuwing binabaha ang ilang lugar sa bansa dulot ng bagyo.

Hindi rin dapat isisi lamang sa mga tao ang patuloy na pagtatapon ng plastic materials kung patuloy din kase ang pagbebenta nito.

Saad pa niya na malaki din ang peligrong dulot nito sa kalusugan at kalikasan dahil gawa ito sa fossil fuel.

Nais ni Dizon na pansinin din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang overproduction at sobrang paggamit ng plastic products upang matugunan ang ilang problema sa bansa na kinauugnayan ng mga plastic waste material.

Makakatulong umano ito upang mapagtagpi-tagpi ang problema sa hindi maayos na sistema sa basura na siya din nakakaapekto sa pagbaha.

Sinabi din niya na mas mabuti na gumamit na lamang ng eco-friendly materials upang makaiwas sa paggamit ng plastic, partikular na sa mga mamimili.