DAGUPAN CITY- Inaprubahan na ng Committee on Health and Democratic Joint Committee on Finance sa pagdinig ang Housebill no.10081.

Ayon kay Dr. Roland Mejia, Region 1 Medical Center Director, layunin ng naturang batas ang madagdagan ang kapasidad ng mga higaan sa R1MC mula 610 hanggang 1,510 sa syudad ng Dagupan.

Bagamat mas mababa pa sa 600 ang kapasidad ng medical center dahil kasalukuyang ginagawa ang main building subalit inaasahan naman itong matatpos sa susunod na 1 taon at kalahati.

--Ads--

Malaki naman ang tulong nito dahil malaki din ang populasyon na sakop ng medical center kung saan inaabot pa ito sa labas ng lalawigan.

Pinapasalamatan naman ni Dr. Mejia ang may pangunahing akda ng batas.

Aniya, isa itong pagpapakita ng pamahalaan panlalawagin ng Pangasinan sa kanilang patuloy na suporta.

Pinapasalamatan niya din si Sen. Bong Go para sa pag-apruba sa mahalagang inisyatiba.