Nangangailangan ang Pilipinas ng batas para matigil ang pamamayagpag ng political dynasties sa bansa.

Ayon kay Dr. Froilan Calilung na isang political analyst na napapanahon lamang na magpatupad ng mga panuntunan na siyang magbibigay regulasyon para malimitihan ang pagpapapasa-pasa ng kapangyarihan sa loob ng isang pamilya.

Aniya bagama’t may batas na nailagay sa ating konstitusyon kung saan pinagbabawalan ang political dynasty ay hindi ito naging malinaw at nagiging lantad pa rin ito sa bansa.

--Ads--

Dagdag rin nito na ang Kogreso ang nagaatas para mabigyang linaw at magamyenda ng batas, ang mga mambabatas ay mismong produkto ng political clan kung kaya’t malabong mabigyang diin ito.

TINIG NI DR. FROILAN CALILUNG

Maituturing rin umanong mahaba-habang proseso pa ang tatahakin bago ito tuluyang magawa kung kaya’t mas maigi na lamang ang pagkakaroon ng isang ‘electoral reform.

Ani Dr. Calilung na tayong mga Pilipino ang may kakayahan para ito ay matigil sa pamamagitan ng pagbibigay tsansa sa iba pang mga kandidato na magbigay serbisyo sa ating publiko.