Sugatan ang isang bata matapos ang isang aksidente sa trapiko ng sasakyan na naganap noong Biyernes, Oktubre 07, 2022, ganap na 09:10 ng umaga sa kahabaan ng Provincial Road ng Brgy. Poblacion, Laoac, Pangasinan partikular sa harap ng Don Rufino Elementray School kung saan sangkot ang isang kulay puti na Isuzu Mini-Dump truck na may plate number NEG 2427 na minamaneho ni Eduardo Pascua y Dela Cruz, 40 taong gulang, may asawa, may Professional Driver’s License at isang residente ng Brgy. Caaringayan, Laoac, Pangasinan.


Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PCPT. JAYBRAM CASIANO – COP, LAOAC PS, kinilala ang biktima na si Sophia Grace Romano y Lomibao, 2 taong gulang at residente ng Brgy. Poblacion, Laoac, Pangasinan. Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na naghihintay ng bus si Sophia Grace Romano y Lomibao kasama ang kanyang ina na kinilalang si Mary Grace Lomibao y Reasonda, 20 taong gulang at ang kanyang tiyahin na si May Lomibao y Reasonda, 23 taong gulang.


Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na naghihintay ng bus si Sophia Grace Romano y Lomibao kasama ang kanyang ina na kinilalang si Mary Grace Lomibao y Reasonda, 20 taong gulang at ang kanyang tiyahin na si May Lomibao y Reasonda, 23 taong gulang, habang binabaybay ng Mini Dump truck ang direksyong Kanluran nang biglang tumawid ng kalsada si Sophia Grace.

--Ads--

Sinubukang iwasan ng drayber ng mini dump truck ang bata, gayunpaman nasa tabi pa rin siya ng nasabing sasakyan, kaya’t nahagip pa rin niya ito kung saan naman ay pumailalim ang bata sa kanyang minamanehong sasakyan.


Dahil dito, nahulog si Sophia Grace sa kalsada at napunta sa ilalim ng trak. Ang biktima ay dinala ng RHU Ambulance sa Urdaneta City District Hospital para sa medikal na atensyon. Noong una ay dinala sa kustodiya ng Laoac PS ang drayber ng mini dump truck para sa kaukulang disposisyon. Subalit ay nagpasya na lamang ang magulang ng biktima na hindi ito magsasampa ng kaso laban sa drayber dahil napagtanto nito na mayroon siyang pagkukulang sa nasabing insidente, habang nangako naman ang drayber ng mini dump truck na sasagutin na nito ang pagpapagamot ng biktima.

Kaugnay nito ay nananawagan naman ang kapulisan sa mga magulang na patnubayan ang kanilang mga anak lalo na kung nasa daan o nasa gilid ng kalsada, habang pinaalalahanan naman nila ang mga motorista na maging maingat sa pagmamaneho upang maiwasan ang disgrasya.