Umabot sa 25 truck o nasa 50 tonelada ang mga basurang nakolekta ng Waste Management Division sa lungsod ng Dagupan sa nakalipas na holiday season.
Nakolekta ang mga basurang ito mula lamang sa Central Business District gaya sa Magsaysay, downtown area at Malimgas public market.
Ayon kay Bernard Cabison ang Head ng nasabing opisina na dahil sa dami ng tao noong kasagsagan nito ay madaming mga basura ang nagkalat at hindi nakokolekta agad kaya nadadagdagan dahil siksikan at sinabayan pa ng trapiko kaya hindi gaano makapasok ang kanilang mga kasamahan para maglinis at truck na kukuha ng basura.
Aniya na naging abala ang kanilang opisina para sa pagtutok dito upang mapanatili ang kalinisan sa buong Dagupan.
Saad pa nito na ang ginagawa naman nila na nakasanayan na tuwing holiday season ay alas-2 pa lamang ng madaling araw ay nagsisimula na ang kanilang mga tauhan sa paglilinis sa kalsada upang paggising ng mga tao ay malinis na ang bawat lansangan.
Kaugnay nito, kung ikukumpara noong nakaraang taon ay parang hindi aniya nagkakalayo ang dami ng basura na kanilang nakolekta.
Sa kabilang banda, mas pagpapa-igting pa nila ang gagawing implementasyon sa lungsod sa No segragation, No collection policy sa bawat Barangay at No Segregation, No Entry sa Dump site ngayong 2025.
Ayon dito na medyo marami parin sa mga dagupeño ang hindi tumatalima dito dahil aniya nagbabayad sila ng basura ng 30 pesos isang buwan para sa collection kaya hindi na nila nagagawa ang pagsesegragate ngunit dapt parin nila itong gawin.
Dahil dito, napipilitan ang mga barangay officials na magsagawa ng segregation upang sa gayon ay makolekta ito at mailagay sa dumpsite.
Samantala, halos lahat ng mga barangay ay may mga Material Recovery Facility kung saan doon nila nilalagay ang mga basura bago ipunta sa dumpsite para sa tamang disposisyon.
Panawagan naman nito sa mga residente ng Dagupan at mga bumibisita dito na ugaliin ang tamang pagtatapon ng basura at pagsunod sa mga batas tungkol dito para hindi magmulta upang matulungan ang kanilang opisina para mapanatili ang kalinisan sa lungsod.