Opisyal nang nanumpa si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte bilang bagong presidente ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) sa ginanap na National Council Meeting ng partido nitong araw ng Linggo, Abril 12, 2026.
Ayon sa mga opisyal, ang kanyang pagkakahirang ay sumisimbolo ng malaking pagbabago sa pamunuan ng partido habang pinagtitibay nito ang direksiyong pampulitika at istruktura ng organisasyon sa mga susunod na taon.
Dumalo rin sa nasabing pagpupulong ang ilang pangunahing lider ng partido, kabilang sina Senador Christopher ”Bong” Go, kasama sina Sen. Robin Padilla, 1st District Rep. Leandro Leviste, dating Executive Secretary Vic Rodriguez, dating Press Secretary Trixie Cruz Angeles at SAGIP party-list Rep. Paolo Marcoleta.
Sa naturang pulong, muling pinagtibay ng mga lider ng partido ang kanilang pagkakaisa at dedikasyon sa paglilingkod sa publiko.
Ipinahayag naman ng PDP ang kanilang kumpiyansa na sa pamumuno ni Duterte ay maipagpapatuloy ang adbokasiya ng inclusive development at responsableng pamamahala para sa bansa.
Matatandaang ang posisyon ay dati nang hinawakan ni Robin Padilla.










