Dagupan City – Nagsagawa ang Basista Municipal Police Station ng barangay visitation at community dialogue sa mga Barangay Health Worker (BHW) ng Obong, Patacbo, at Nalneran, Basista, Pangasinan bilang bahagi ng patuloy na kampanya sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan sa komunidad.

Pinangunahan ni PMAJ Dexter A. Tayaba, OIC ng Basista Municipal Police Station, ang aktibidad na nakatuon sa PNP Anti-Criminality Campaign, crime prevention at community safety.

Binigyang-diin dito ang mahalagang papel ng mga BHW sa pagpapaigting ng pagbabantay sa kanilang komunidad, pag-uulat ng mga kahina-hinalang aktibidad at pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa kaligtasan at pag-iwas sa krimen.

--Ads--

Naging bahagi rin ng dayalogo ang pagpapalakas ng koordinasyon at ugnayan sa pagitan ng pulisya at mga BHW upang mas mabilis na matugunan ang mga concern sa barangay.

Hinikayat ang aktibong pakikilahok ng mga residente, napapanahong pag-uulat ng mga insidente at patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad bilang mahalagang bahagi ng crime prevention.

Isinagawa ang aktibidad bilang bahagi ng patuloy na community engagement ng Basista Police sa ilalim ng adhikaing Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas, na naglalayong maghatid ng mabilis, tapat at nararamdamang serbisyo sa publiko