Dagupan City – Nakaantabay ang tanggapan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office sa bayan ng basista ngayong panahon ng tag-ulan at sa mga bagyo na posibleng maranasan.
Ayon kay Josephine Robillos ang siyang Mdrrmo Officer at President ng Pangasinan Association of Local Disaster Risk Reduction Management Office na bago pa lamang maanunsyo ang tag-ulan ay mayroon na silang kahandaan upang nang sa gayon ay hindi na nagkakaroon ng problema at agad na matutugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga residente.
Kung saan regular silang nagsasagawa ng meeting at gayundin ang pagpupunta sa kanilang 13 barangay upang magsagawa ng information dissemination at abiso sa mga dapat gawin kapag may mga bagyo.
Dahil dito, nakahanda na rin ang kanilang kagamitan magmula sa mga pang rescue, evacuation center, stock pile at iba pa. 5 sa 13 barangay ang nasa low lying areas at madalas na nakakaranas ng baha Lalo na kapag tuloy tuloy ang mga pag-ulan o di kaya ay sa tuwing magbubukas ang dam.
Bukod dito anya ay mayroon din silang coordination sa mga paaralan para sa anumang suspension