Dagupan City – Nag-renew ng kanilang training sa Basic Life Support ang mga kinatawan o staff ng Rural Health Unit I at RHU II sa bayan ng Bayambang.

Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng Red Cross na isinagawa sa Byambang Polytechinic College.

Mahalaga ang renewal ng BLS dahil ang mga protocol at teknik dito ay maaaring magbago.

--Ads--

Ito ay nagbibigay-daan sa mga kalahok na maging pamilyar sa mga bagong impormasyon at pamamaraan.

Sa pagtuloy ng pagsasagawa ng mga RHU staff dito, napagpapatuloy rin ang pagbubuo ng kumpiyansa sa mga tao na magsagawa ng BLS kapag kinakailangan, lalo na’t maaari itong makapagligtas ng buhay.

Sa pamamagitan ng BLS training, nagbibigay ito ng kaalaman kung paano tumugon sa mga medical emergencies, na nag-aambag sa mas ligtas na komunidad.

Tinatiyak din ng lokal na pamahalaan ng Bayambang ang kahandaan at kakayahan sa pagsalba ng buhay sa mga kritikal na sitwasyon. (Nerissa Ventura)