Dagupan City – Nagsagawa ang Local Disaster Risk Reduction and Management Office o LDRRMO Lingayen ng isang pagsasanay sa Basic Life Support at First Aid para sa mga kawani ng Pamahalang lokal ng bayan.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng dalawamoung mga empleyeyado upang maituro ang kahandaan sa mga sakuna at mapabuti ang pagbibigay serbisyo. Kasama sa pagsasanay ang first aid, basic life support, at vehicle operation training.

Ang ganitong pagsasanay ay makakatulong upang masiguro ang kaligtasan ng mga kababayan.

--Ads--

Ang layunin ng pamahalaang lokal ay tiyakin ang kaligtasan ng mga residente sa Lingayen sa lahat ng oras at pagkakataon, lalo na ang mga frontliner mula sa mga barangay na silang unang tumutulong sa mga nangangialanh

Ang pagsasanay na ito ay magbibigay-kaalaman sa mga mamamayan tungkol sa kahalagahan ng pagiging handa at alerto sa mga sakuna. Isa itong bahagi ng serye ng mga pagsasanay ng tanggapan ngayong taon upang masiguro ang kaligtasan ng publiko.