Dagupan City – Matagumpay na isinagawa ang Basic digital forensics training sa bayan ng Mangaldan.

Pinangunahan naman ito ng Information and Communications Technology (ICT) Office ng Mangaldan katuwang ang Department of Information and Communications Technology (DICT) Region 1. Ang pagsasanay, na ginanap noong Setyembre 23 hanggang 27 sa isang unibersidad.

Layunin umano nito na palakasin ang kakayahan sa cybersecurity ng mga lokal na pamahalaan dahil sa tumataas na banta ng cyber-attacks.

--Ads--

Kung saan ay nagbigyang-diin dito ang pangangailangan ng espesyal na kaalaman sa pagtugon sa mga banta sa cybersecurity.

Ang pagsasanay ay bahagi ng Cybersecurity Awareness Month at nagtipon ng mga kalahok mula sa iba’t ibang LGUs, academe, at private IT practitioners, na nagbigay ng mga pangunahing kasanayan sa digital forensics.

Isinagawa ito bilang tugon sa pagtaas ng cyber incidents sa bansa, kung saan noong 2023 ay umabot sa isang libot walong daan at tatlumpot apat (1,834) ang naiulat na insidente.

Samantala, ngayong taon, may dalawang daan at walumpo’t isa (281) naiulat na insidente ng pag-hack mula Enero hanggang Marso 2024.