DAGUPAN CITY– Ipinagdadasal na lamang ng Brgy. Council ng Brgy. Linoc sa bayan ng Binmaley na mag-negatibo sa ASF ang resulta ng blood sample na kinuha sa mga baboy doon kasunod ng issue ng virus na tumama umano sa kanilang bayan, partikular na sa ilang mga baboy doon.

Ayon kay Punong Brgy. Lita Baniqued na siya ang unang nalungkot nang pumutok ang issue lalo pa at ilang mga residente na rin ng kanyang barangay ang dumulog na sakanya at nagtatanong kung ano ang mangyayari sa kanilang negosyo.

Barangay Chairman Lita Baniqued – Linoc Binmaley Pangasinan

Base sa record ng kanilang barangay ay lumalabas na mahigit 30 ang registered backyard raiser doon habang mahigit 300 baboy ang posibleng isailalim sa culling operation kapag natukoy ang kanilang lugar bilang ground zero.

--Ads--

Samantala nakatakdang lumabas ngayong araw ang resulta ng isinagawang iksaminasyon sa mga blood samples ng mga apektadong baboy.

Una rito kung matatandaan na kinumpirma mismo ng Provincial Veterinary Office na ilang mga baboy ang nasawi na nagpositibo sa naturang sakit.