Nagsagawa ng seminar ukol sa pagpapatupad ng Katarungang Pambaranggay Law para sa mga opisyales ng Barangay sa bayan ng Bayambang.
Ito ay naglalayong palaganapin ang kaalaman at kakayahan ng mga opisyal ukol sa nasabing paksa na tumatalakay sa mas madaling proseso ng pagresolba ng mga hindi pagkakaunawaan bago ito umabot sa mga korte.
Ang Katarungang Pambarangay Law, na nasa ilalim ng Republic Act No. 7160 o ang Local Government Code of 1991, ay nagbibigay ng mga alituntunin para sa mga pag-uusap at pag-aayos ng mga alitan o problema sa antas ng barangay.
Saklaw ng Katarungang Pambarangay ang mga civil cases na may halaga na hindi hihigit sa P100,000 (o P200,000 sa mga municipal cases).
Mahalaga ang batas na ito upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Kaya naman binigyan ng pagkakataon ang mga barangay officials na magbahagi ng kanilang mga karanasan sa pagresolba ng mga isyu sa kanilang mga barangay.
Sa pamamagitan ng seminar na ito, inaasahan ng lokal na pamahalaan na mas mapapabilis at mas magiging epektibo ang pagresolba ng mga alitan sa nasasakupan ng mga Punong Barangay.