Dalawang barangay na sa bayan ng Bayambang, Pangasinan ang apektado ng African Swine Fever o ASF.
Ayon kay Bayambang Municipal Administrator Atty. Raymundo B. Bautista Jr. dumagdag sa Brgy Apalen ang Barangay Carungay sa naapektuhan na ng ASF.
Isinailalim sa pagsusuri ang ilang nasawing baboy doon at nagpositibo sa nasabing virus.
--Ads--
Dahil dito ay nagsagawa ng “culling” sa lugar upang maiwasan na kumalat pa ang sakit.
Sa Brgy Apalen ay umabot na sa 367 na baboy ang pinatay, habang 81 sa Carungay.
Ilang baboy din sa ilang barangay ang pinatay kung saan 295 sa Tatarac , 171 sa Inirangan.
Umaabot na sa 914 ang baboy na isinailalim sa “culling” sa nabanggit na barangay.