DAGUPAN CITY- Nasawi ang Barangay Kagawad ng Brgy. Payar sa bayan ng Malasiqui matapos itong barilin sa loob mismo ng Barangay Hall.

Ayon kay Plt Col. Garry Anthony Casem, Chief of Police ng Malasiqui PNP, madaling araw nang pagbabarilin ang biktima habang nakaduty ito kasama ang dalawang CVO.

Sakanilang paunang imbestigasyon, kakilala ng biktima ang suspek na agad tumakas matapos ang pamamaril.

--Ads--

Aniya na nakunan ng CCTV ang kilos ng suspek bago at matapos ang krimen, na siyang naging susi sa mabilis na pagtukoy sa pagkakakilanlan nito.

Sa anim na putok ng baril, tatlo ang tumama sa biktima.

Nakapagsalita pa umano ang biktima bago ito binawian ng buhay sa ospital, at nagawa nitong pangalanan ang bumaril na isang mahalagang bahagi ng imbestigasyon na kinumpirma ng pulisya bilang dying declaration.

Tinukoy na ngayon ng mga awtoridad ang isang person of interest na may malinaw na motibo, at lumalabas sa kasalukuyang imbestigasyon na siya rin ang itinuturong salarin.

Ayon pa kay Casem, sapat na ang ebidensyang hawak ng pulisya para sa pagsasampa ng kaso sa ilalim ng inquest proceeding, kung saan posible itong mauwi sa kasong murder.

Samantala, tuloy-tuloy ang koordinasyon ng mga kapulisan sa mga barangay at sa lokal na pamahalaan upang mapanatili ang kaayusan at maiwasan ang paglala ng tensyon sa komunidad.