Dagupan City – Nagpakitang-gilas ang mga Barangay Fire Rescue teams sa bayan ng Calasiao sa kauna-unahang Barangay Fire and Rescue Olympics, na may temang “Sa Pag‑Iwas sa Sunog, Di Ka Nag‑iisa.”
Ipinamalas ng mga kalahok mula sa iba’t ibang barangay ang kanilang kahandaan sa pagtugon sa sunog at iba pang emergency situations, kabilang ang mabilis na pag-apula ng apoy at maayos na rescue operations.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang kakayahan ng mga barangay responders upang masiguro ang mabilis at epektibong pagtugon sa oras ng sakuna at panganib sa kaligtasan ng publiko.
Sa pamamagitan ng mga drills at simulation, nasubok ang bilis, husay, at tamang pamamaraan ng mga kalahok sa disaster response.
Ayon sa mga opisyal, hindi lamang ito paligsahan kundi isang pagkakataon para mapalawak ang kaalaman ng mga barangay tungkol sa tamang pagharap sa sunog at iba pang emergency.
Ang nasabing Olympics ay bahagi rin ng kampanya ng Bureau of Fire Protection at lokal na pamahalaan upang itaguyod ang kahalagahan ng fire safety at komunidad na laging handa.
Bukod sa kompetisyon, ginamit din ang event bilang platform para sa mga practical demonstrations at information campaign upang hikayatin ang publiko na maging responsable at alerto sa pag-iwas sa sunog.










