DAGUPAN CITY- Nararamdaman na ang gobyerno sa Barangay Caranglaan kung saan patuloy na umaasenso at aasenso pa sa 2026.

Ito ang naging pahayag ni Kap. Gregorio Claveria Jr. dahil sa “unli-serbisyo” ng lungsod, patuloy na nararamdaman ng kanyang mga kabarangay ang pag-asenso.

Dahil dito, nagpasalamat ito sa walang sawang suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Belen Fernandez at Vice Mayor Brian Kua na nagtatakda ng mas magandang kinabukasan para sa kanilang barangay.

--Ads--

Sa pamamagitan kasi ng iba’t ibang programa at proyektong ibinibigay sa kanila na naglalayong paginhawahin ang kanilang buhay ay inaasahang uunlad pa ang kaniyang nasasakupan.

Ibinahagi naman nito na isa sa mga nakamit noong 2025 na proyekto ay ang pagsesemento ng mga pangunahing kalsada, na matagal nang hinaing ng mga residente.

Saad din niya din na malaki ang naging tulong ng kanilang modernong command post, na may CCTV at public address system na nagpapahintulot sa mga barangay tanod na bantayan ang buong barangay 24/7.

Ang siyam na public address system ay nakakatulong sa pagpigil ng krimen at mabilis na pagtugon sa mga pangangailangan ng mga residente na nakakabit sa kanilang bawat sitio.

Dagdag pa rito, binanggit ni Kapitan Claveria ang pagiging Dagupan City Police Office ng lungsod, na nagresulta sa dagdag na bilang ng mga pulis at pagtatayo ng karagdagang mga istasyon ng pulis sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.

Aktibo rin ang pakikipagtulungan ng mga kapulisan sa barangay sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad, kaya bumababa ang bilang ng krimen at aktibo din ang kanyang mga tanod sa pamamahala ng trapiko, at nakikipagtulungan ang barangay sa kapulisan sa paglaban sa iligal na droga.

Bukod pa rito, nakatutulong ang mga programa sa isports upang ilayo ang mga kabataan sa mga bisyo.

Kaugnay nito, umaasa naman si Kapitan Claveria na sa pagpasok ng 2026, mas magiging matatag at maunlad pa ang kanilang barangay.

Dahil sa pamamagitan ng patuloy na pagtutulungan, mas magiging ligtas, maayos, at maunlad pa lalo ang Barangay Caranglaan at ng buong lungsod ng Dagupan.