Isinailalim sa Extreme Enhanced Community Quarantine (EECQ) ang barangay Balangobong, sa bayan ng Binalonan sa loob ng 14 na araw matapos maitala ang kauna-unahang kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) doon na isang 33 anyos na babae.
Sa inilabas na video message ng alkalde ng naturang bayan na si Hon. Ramon N. Guico Jr., ang nabanggit na residente, kasama ng kaniyang pamilya ay nasa mahigpit na home quarantine sa kasalukuyan.
Dagdag pa ng alkalde na nakikipag ugnayan na rin ang kanilang lokal na pamahalaan sa mga kinauukulan sa mga posibleng nakasalamuha ng naturang pasyente.
Sumailalim na rin sa disinfection ang buong komunidad at ginagawa ang pagpapalawig pa ng boluntaryong pananatili sa kani-kanilang tahanan.
Samantala, sa ekslusibong panayam naman ng Bombo Radyo Dagupan kay PMaj. Arvin Jacob, hepe ng Binalonan PNP, bilang kasama rin ang kapulisan sa mga nasa frontline laban sa COVID-19, sila ay nagsasagawa ng decontamination sa kanilang disinfection areas para sa kanilang sariling kaligtasan.
Samantala, basa sa huling datos sa lalawigan ng Pangasinan ay may kabuang bilang na ng 28 kaso, pito rito ang nasawi at 21 ang nasa pagamutan pa rin.
76 naman ang kabuuang bilang ng mga Patient Under Investigation (PUI), 10 rito ang nasawi, 20 ang nasa pagamutan at 46 riyan ang nakarecover na.
85, 156 naman ang Person Under Monitoring o PUMs at 17, 106 ang nasa ilalim pa rin ng 14-day quarantine, 67, 724 ang naka tapos na ng naturang quarantine, at 326 ang hindi nakakumpleto nito.