Dagupan City – Kinilala at inalayan ng bulaklak ang bantayog ni Dr. Jose Rizal sa Dagupan, bilang pag-alala sa 128th taong niyang kamatayan.
Sa naging mensahe ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez, sinabi nito na kinakailangang kilalanin ng publiko ang kabayanihang ginawa ni Rizal para sa mga mamamayang Pilipino.
Kung saan, inialay nito ang kaniyang buhay para sa bayan.
Kaugnay nito, kinikilala naman niya ang kabayanihan ni Rizal dahil sa kaniyang timeless vision na tumugma naman sa kagustuhan at layunin sa lungsod na mapalakas pa ang pagkakaroon at pagkamit ng edukasyon.
Dagdag pa ang layunin ng lungsod na maging daan sa proseso at oportunidad tungo sa bagong Pilipinas.
Binigyang diin din nito ang kasabihan na binitawan ni Rizal na ang kabataan ay pag-asa ng bayan.
Sa katunayan aniya, mayroong P200 Milyon na nakalaan para sa mga 5000 scholars ng lungsod upang masiguro na ang mga mag-aaral ng lungsod ay may tiyansa na makapagtapos ng pag-aaral.
Samantala, nawa aniya ay manatili ang kagustuhan na makamit ang tunay na pagkakaisa at pag-asa.