Dagupan City – Sang-ayon ang grupong bantay bigas sa pagdedeklara ng food security emergency sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Cathy Estavillo – Spokesperson, Bantay Bigas, sinabi nito na matagal nang nararanasan ng bansa ang mataas na presyo ng hindi lamang bigas kundi mga bilihin sa bansa.

Isa nga sa patunay aniya ay ang pagiging kabilang ng Pilipinas sa pagioging numero unong rice importer ng bigas sa buong mundo kahit pa kilala itong isang Agriculture Country.

--Ads--

Dagdag pa aniya ang nararanasan ng mga nasa laylayan na “involuntary hunger” na siya ring pangunahing senyales upang maideklara na ang food security emergency.

Kaugnay nito, muli namang nanindigan ang grupo na kinakailangan nang ibasura ang Republic Act No. 11203 o ang “Rice Liberalization Law” dahil ito ang dahilan kung bakit nawalan na ng kasiguraduhan sa produksyon ang bansa.

At malinaw din na mula nang maipasa ito ay walang natupad ng pagpapababa ng presyo ng bigas sa ₱25 kada kilo dahil na rin sa inaasahang pagdagsa ng imported rice.