DAGUPAN, City- Mariing kinokondena ng grupong Bantay Bigas ang pagpapalawig sa mababang taripa sa bigas at iba pang agricultural products sa bansa.

Ayon kay Cathy Estavillo ang tagapagsalita ng nabanggit na grupo na ang Executive Order no. 10 na inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Bong Bong Marcos Jr. ay hindi tunay na solusyon sa pagbaba ng presyo sa merkado.

Aniya, kawawa ang mga lokal ng magsasaka sa desisyong ito dahil hindi pa rin sila makasabay sa produksyon dahil sa taas ng production cost.

--Ads--

Ang tunay na solusyon umano para tuluyang maresolba ang mataas na presyo ng bigas at iba pang agricultural products ay mabigyan ng tulong ang mga magsasaka gaya ng lamang ng mga subsidiya, pagpaparami pa ng mga irigasyon o patubig, pagsuspende sa excise tax ng gasolina at ng rice tarrification law.

Dagdag pa rito, ang naturang desisyon din ay hindi nakakatulong sa mga magsasaka sa ating bansa dahil mas napapaburan umano ang mga imported products na mas natatangkilik ng mga mamimili dahil sa mas mababang presyo sa pamilihan.