Mainit init na usapin ang naging banta ni Vice President Sara Duterte kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. kung saan ang kumalat na video nito ay validated, authentic at hindi deep-fake.

Ayon kay Atty. Francis Dominic Abril, Legal/Political Consultant dahil sa ginawang ito ni VP Sara ay tila ba nagpahuli lamang ito sa sariling lubid.

Hindi naman aniya rason para magmura o magdeklara na kumontak ng hitman para ipapatay si Pangulong Marcos sakaling magtagumpay ang plot laban sakanya.

--Ads--

Dahil dito ay maaaring gamitin ng Department of Justice at National Bureau of Investigation laban sa Bise.

Bukod dito ay supplemental din ang patutsada ng kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na tila ba’y ang kanilang mga binitawang mga pahayag ay pagpapahamak lamang sa kanilang mga sarili.

Nagdulot lamang ito ng kaguluhan sa publiko at hidni ito tama para sa isang public officials.

Ani Abril na maaari itong gamitin bilang ground for impeachment dahil may legal framework violation ng konstitusyon at mayroong betrayal of public trust.

Bagamat ang may tanging immunity lamang para hindi makasuhan ay ang Pangulo kaya’t walang legal excuse si VP Sara.

Dapat din ay mapanagot kung paano niya ginastos o ginamit ang pondo na ipinagkatiwala sa kanya.

Panawagan naman nito sa publiko na tayo ang naghalal sa kanila kaya’t responsibilidad natin na i-hold sila na accountable sa kanilang pinaggagagawa.