DAGUPAN CITY- Dapat na seryosohin at huwag isawalang bahala ang banta ng red tide sa ilang lugar dahil maaaring maapektuhan hindi lamang ang kalusugan ng mga tao makakakain nito, kundi pati na rin ang ecosystem ng isang site nito o katubigan.
Sa panayan ng Bombo Radyo Dagupan kay Westly Rosario, Former Center Chief ng National Integrated Fisheries Technology and Development Center (NIFTDC), isang natural na pangyayari ang pagkakaroon ng red tide, ngunit may mga pagkataon na nangyayari ito dahil sa kagagawan din ng mga tao.
Aniya, itinuturing itong isang suliranin sa buong mundo.
May ilang sites din sa Pilipinas na halos hindi na naaalis ang banta nito.
Apektado rin ng red tide ang paggalaw ng tubig at production ng mga lamang dagat.
Dagdag niya, mayroon din aniyang mga pagkakataon na hindi nagbabago ang kulay ng tubig kahit na may banta ng red tide sa isang lugar, kaya’t malaki ang role ng mga shellfish upang makita o mamonitor ito.
Dapat din ayang mag-ingat ang mga consumer dahil hindi napapatay ng kumukulong tubig ang red tide ng isang lamang dagat.