DAGUPAN CITY- Patuloy na sinasiyasat ng Fisheries Integrated Laboratory Section ng BFAR Region I sa pamamagitan ng laboratory testing upang makita ang toxicity level ng tubig sa mga lugar na apektado ng red tide.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Sancho Bilog, Officer in Charge, Fisheries Integrated Laboratory Section ng BFAR Region I, nag-isyu ng advisory ang kanilang opisina sa Bolinao at Anda base sa analysis na isinagawa sa kanilang laboratoryo.
Aniya, regular din ang kaninalang monotoring sa maaaring banta ng red tide lalo na sa mga shellfish samples.
Base sa resulta ng kanilang isinagawa sa mga lamang dagat, lumabas na mataas ang toxin level nito, hihit sa normal na lebel.
Sumulat din ang kanilang opisina sa mga LGU’s na bantayan ang kanilang mga nasasakupan ukol sa nasabing banta.
Matatandaang huling nagkaroon ng red tide alert sa bayan ng Bolinao noong April 2022.
Magkakaroon din ng tatlong panibangong laboratory testing ang kanilang opisina sa kanilang mga binabantayang bayan bago i-lift ang
Base rin sa history ng kanilang opisina na tumatagal ang red tide ng tatlong buwan, depende ito sa kondisyon ng tubig.