DAGUPAN CITY- Malaking hamon ngayon sa mga nagbabangus sa lalawigan ng Pangasinan ang gataw dahil sa pagbabago na ng panahon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Christopher Aldo Sibayan, Presidente ng Samahan ng Magbabangus sa Pangasinan (SAMAPA), ang pagdating ng mainit na panahon kasabay ng biglang pag-ulan ay nagdudulot ng masamang epekto sa mga alagang isda kung saan napapalitan ng amonia ang oxygen sa katubigan na kinakailangan ng mga isda.

Aniya, ang pagbabago ng panahon o ang sobrang init at lamig ay labis makakaapekto sa paglaki ng mga alagang isda.

--Ads--

Kaya nagpaalala si Sibayan na masasabing tumango ang isang isda kung ito ay lumambot at hindi gaano tumitigas sa yelo.

Ito rin ay makikitaan ng pamumuti ng hasang at mata, at maliban pa riyan, lumulutang na ito sa katubigan.

Kung aamuyin din ay mahahalata naman na hindi na ito sariwa pa.

Samantala, sinabi naman ni Sibayan na may sapat pa rin ang produksyon ng bangus sa bansa kahit pa man na may kaonti itong kalinisan.

Kung papansinin naman ang presyuhan sa merkado, sang-ayon si Sibayan sa pag-import ng produktong isda upang mapababa ang presyosa markdao.

Gayunpaman, nagbigay pa rin sila ng kasulatan sa kahilim ng Department of Agriculture (DA) upang maghatid ng alternatibong solusyon.

Giit ni Sibayan, ang pag-import ay isa lamang bond-aid solution.

Inaanyaya naman niya ang mga mangingisda, partikular na sa lungsod ng Dagupan, sa kanilang “Good Aquaculture Practices” Seminar sa Pebrero 28.

Maganda umano itong pagkakataon para sa paghahandaan ang mga maaaring epekto pa ng climate change sa pagbabangus, lalo na kung may tulong ito mula sa gobyerno.

Makakasama sa naturang event ang ilang mga eksperto sa Aquaculture upang maghatid ng iba’t ibang kaalaman.