Handang-handa ang bansang Ukraine sa anumang pag-atakeng gagawin ng bansang Russia.

Ito ang ipinahayag ni Bombo International Correspondent Marcelino Aquino na aniya’y ipinabatid ng kanilang gobyerno sa kanilang mga residente na manatiling kalmado dahil kontrolado nila ang sitwasyon sa kabila ng pagdating ng ilang pwersa ng Russia para sa kanilang military drill exercise sa border ng Ukraine.

Kasunod rin ito ng ulat na paglikas sa ilang mga ng Estados Unidos at Israel mula sa naturang bansa.

--Ads--

Aniya ilan sa mga mayayamang naninirahan sa Ukraine ang nagtungo sa West kung saan karamihan rin umano sa kanilang mga Pilipino ang may plano na ring magtungo roon sakaling tuluyang magkaroon ng giyera sa dalawang bansa.

Gayunpaman pinawi nito ang pangamba ng mga residente sa Pilipinas kung saan ipinabatid nito na nanatiling normal ang kanilang kalagayan at wala rin umanong nararamdaman sa kanilang mga Pilipino.

Dagdag rin nito na patuloy ang ginagawang koordinasyon ng mga embahada ng Pilipinas