DAGUPAN CITY- Hindi gaano ipinagdiriwang ang Bagong Taon sa Sri Lanka at mas pinagtutuonan ng mga Sri Lankan ang Sinhalese New Year sa buwan ng Abril.
Gayunpaman, ayon kay Priscilla Rollo Wijesooriya, Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa, hindi pa rin nawawala ang nakasanayan ng mga Kristyano na gunitain ang Bagong Taon sa pagsapit ng January 1.
Aniya, ngayon holiday season, ‘busy’ ang mga Kristyano na paghandaan ito at bumibili ng mga prutas at gulay.
Karamihan kase sa Sri Lanka ay mga vegetarian kaya hindi gaano inihahanda ang mga karne sa okasyon.
Bilang Pilipino naman ay hindi nawawala sa ilulutong handa ni Wijesooriya ngayong bagong taon.
Samantala, hindi pa rin mawawala sa Colombo, ang kapital ng bansa, ang magandang fireworks display sa nalalapit na January 1.
Bagaman kaonti, inaasahan nilang makakakita pa rin ng mangilan-ngilang magbebenta ng paputok.









